Kaagapay sa Pamumuhay ng mga Banyaga sa JapanTaxRefund PG&CO. May pribilehiyong mag-apply ng Tax Refund kung nagbibigay ng suportang pinansyal sa pamilya sa ibang bansa.


Kasunduan sa Pribadong Impormasyon

Sinumpaang pahayag tungkol sa personal na impormasyon

Lubos na nalalaman ng Pacific Guaranty Incorporated (tatawaging [kumpanya] sa ibaba) ang kahalagahan ng personal na impormasyon ng mga kliyente nito at ng mga taong may kaugnayan sa kanya, at naniniwala na ang wastong pangangalaga ng mga ito ay tungkuling panlipunan.
Kung kaya tinatanganan ng kumpanya ang personal na impormasyon na ipinagkatiwala sa kanya ng kliyente ng may lubos na pag-iingat.

Privacy Policy (Pribadong Panuntunan)

  1. Pagkilala sa (pribadong karapatan)
    Nirerespeto ng kumpanya ang pribadong karapatan ng isang indibidwal.
  2. Layunin sa paggamit at pangangasiwa sa personal na impormasyon
    Iingatan ng kumpanya ang lahat ng personal na impormasyon na ipinagkatiwala ng kliyente, at gagamitin lamang sa loob ng limitasyon ng layuning napagkasunduan.
    Lubos rin ang pag-iingat ng kumpanya sa pagbibigay ng personal na impormasyon sa ibang tao upang makatiyak na hindi nito nahihigitan ang limitasyon na sinang-ayunan ng kliyente o di kaya ang mga kahilingang ihinain ayon sa batas o alituntunin.
  3. Tungkulin upang mapanatiling konpidensyal ang personal na impormasyon
    Nangangako ang kumpanya na hindi ito maghahayag ng impormasyon na maaaring tumukoy sa isang indibidwal sa mga pampublikong pagtitipon o sa mga katulad nitong lugar.
  4. Mga ligtas na pamamaraan kaugnay ng personal na impormasyon
    Pangangasiwaan ng kumpanya ng ligtas ang personal na impormasyon upang mapigilan ang walang pahintulot na pag-access dito, upang hadlangan ang pagkawala, pagkasira, paghuhuwad, at pagbubunyag ng personal na impormasyon, at pagsisikapan ng kumpanya ang na mapangalagaan at mapabuti ang seguridad nito.
    Kung gagamit ng FAX, koreo, at mensahero, susuriing mabuti kung tama ang numero ng destinasyon at direksyon. mag-iingat ng mabuti upang matiyak na ang ipapadala ng kumpanya ay makakarating sa dapat nitong patunguhan. Gayundin, ang mga dokumentong hindi na kailangan ay pipinuhin sa "shredder" bago itapon ng kumpanya ang mga ito.
    Ang pangangasiwa sa seguridad ng gusali ng kumpanya sa araw at gabi ay ipinagkakatiwala ng kumpanya sa isang security agency.
  5. Ang tungkulin ng management tungkol sa pangangalaga ng personal na impormasyon
    Ang kumpanya ay susunod sa pinakabagong batas, pamamaraan na itatakda ng gobyerno at iba pang alituntunin na may kinalaman sa pagtatangan ng personal na impormasyon.

Pagsunod sa batas

  1. Ang pagsunod sa batas ay itinuturing ng kumpanya bilang pinakamataas na prayoridad.Kikilalanin nito ang mga pinakabagong direktiba na itinakda ng batas at iba pang mga alituntunin, upang hindi makapagdulot ng bagay na makakasama sa kliyente, Pagbubutihin nito ang kanyang mga patakaran upang maging angkop at pagsisikapan ng kumpanya na mapalawig ang ekspertong kaalaman at abilidad nito.
  2. Lubos na nauunawaan ng kumpanya na may mga batas na nagtatakda sa hangganan ng mga serbisyo tulad ng mga umiiral na tax accountant law, Tax Law at iba pa para sa mga tax accountant at katulad nito at mga espesyalita, at magiging paglabag sa batas kung ang kumpanya ay manghihimasok sa mga serbisyong saklaw nito.
  3. Sa ika-52 seksyon ng tax accountant law, isinasaad na "Ang sinumang indibidwal na hindi tax accountant o legal na kinatawan ng tax accountant ay hindi maaaring gumawa ng kanilang trabaho maliban lamang kung binigyan ng partikular na pahintulot sa batas na ito. Ito ay lubos na nauunawaan ng mga tauhan ng kumpanya, kaya't sila ay magsisikap na maitaguyod ang magandang relasyon ng pakikipagtulungan sa mga tax accountant upang walang malampasan na anumang limitasyon.
03-5453-6931 03-5453-6931