Paano kinakalkula ang halaga ng matatanggap na Lump Sum Withdrawal Payment?
Ang halaga ng matatanggap na lump sum withdrawal payment ay kinakalkula at tataas mula sa batayan na 6 na buwan hanggang 60 na buwan (5years). Ang anumang pagbabayad na nagawa pagkatapos ng ika-60 buwan ay maibubukod o hindi na kasali sa pagkalkula. Samakatuwid, kung ang isa ay nakatala sa systema sa loob ng 5 taon o umabot man ito ng 9 na taon, ang halagang matatanggap ay pareho lamang.
※Nagsimula ang rebisyon na ito noong Abril ng 2021.
(Mula sa homepage ng Japan Pension Service sa Short-term Resident Foreigner Withdrawal Lump-sum Grant)
Sa kaso ng Pambansang Pensyon
Simula Abril 2021, Para sa mga miyembro na ang huling pagbabayad ng premium ng seguro ay dapat bayaran pagkatapos ng Abril ng taong 2021, ang halaga ng lump-sum withdrawal payment ay kakalkulahin ayon sa taon kung saan kabilang ang huling buwan ng pagbabayad ng premium ng seguro at mga panahon kung saan nabayaran ang mga premium ng seguro...
Para sa mga huling nagbayad ng premium ng seguro bago ang Marso 2021, ang halaga ng pagbabayad ay makakalkula hanggang sa 36 buwan (3 taon) tulad ng dati..
Formula sa Pagkalkula para sa pagbabayad ng lump-sum withdrawal .
Ang halaga ng mga premium ng seguro para sa taon kung saan ang huling buwan ng pagbabayad ng mga premium ng seguro ay nabibilang x 1/2 x ng bilang na ginamit upang makalkula ang halaga ng pagbabayad.
Kapag ang huling buwan ng pagbabayad ng mga premium ng seguro ay pagkatapos ng Abril 2021 hanggang March 2022.
Panahon ng pagbabayad ng premium ng seguro | Bilang na ginamit upang makalkula ang halaga ng pagbabayad |
Halaga ng bayad (taong 2021) |
6 na buwan o higit pa at mas mababa sa 12 buwan | 6 | 49,830円 |
12 na buwan o higit pa at mas mababa sa 18 buwan | 12 | 99,660円 |
18 na buwan o higit pa at mas mababa sa 24 buwan | 18 | 149,490円 |
24 na buwan o higit pa at mas mababa sa 30 buwan | 24 | 199,320円 |
30 na buwan o higit pa at mas mababa sa 36 buwan | 30 | 249,150円 |
36 na buwan o higit pa at mas mababa sa 42 buwan | 36 | 298,980円 |
42 na buwan o higit pa at mas mababa sa 48 buwan | 42 | 348,810円 |
48 na buwan o higit pa at mas mababa sa 54 buwan | 48 | 398,640円 |
54 na buwan o higit pa at mas mababa sa 60 buwan | 54 | 448,470円 |
Mahigit sa 60 buwan | 60 | 498,300円 |
Sa kaso ng Seguro sa Pensyon ng mga Empleyado
Simula Abril taon ng 2021, para sa mga miyembro na ang huling buwan ng pagbabayad (buwan bago ang buwan kung saan nabibilang ang araw ng diskwalipikasyon) ay Abril o pagkatapos ng Abril, ang maximum na halaga ng pagbabayad ay magiging 60 buwan at ang halaga ng LWSP ay kinakalkula
Subalit para sa mga ang huling buwan ng seguro ay bago ang Marso taon ng 2021, ang halaga ng LSWP ay makakalkula hanggang sa 36 buwan (3 taon) tulad ng dati.
[ Formula ng pagkalkula para sa pagbabayad ng lump-sum withdrawal ]
Halaga ng Average na sahod sa panahon ng naka insured x (2) Halaga ng premium ng seguro x 1/2 bil;ang na ginamit upang makalkula ang halaga ng pagbabayad)
(1) Ang halaga ng average na sahod sa panahon ng naka insured ay ang halagang nakuha sa pamamagitan ng paghati sa kabuuan ng A + B na kabuuang bilang ng mga buwan ng nakainsured na panahon.
A: Halaga na nakuha sa pamamagitan ng pag multiply sa 1.3 ng karaniwang buwanang suweldo para sa naka insured sa panahon bago ang Abril 2003
B: Ang kabuuan ng karaniwang buwanang suweldo at karaniwang bonus para sa naka insured na panahon pagkatapos ng Abril 2003
(2) Ang Rate ng Pagbabayad ay ang rate na nakuha sa pamamagitan ng pag-multiply ng rate ng premium ng seguro noong Oktubre ng nakaraang taon kung saan kabilang ang huling buwan (buwan bago ang buwan kung saan nabibilang ang petsa ng disqualification), (ngunit kung ang huling buwan ay nasa pagitan ng Enero hanggang Agosto, ang rate ng premium ng seguro para sa Oktubre ng taon bago ang huling ay ilalapat ng isa't kalahati), pagkatapos ay i-multiply ng numero sa talahanayan sa ibaba na may sanggunian sa saklaw ng seguro.
Kapag ang huling buwan ng panahon ng naseguro ay pagkatapos ng Abril 2021 :
Panahon ng pagbabayad ng premium ng seguro, atbp. |
Bilang na ginamit upang makalkula ang halaga ng pagbabayad |
Rate ng bayad |
6 na buwan o higit pa at mas mababa sa 12 buwan | 6 | 0.5 |
12 na buwan o higit pa at mas mababa sa 18 buwan | 12 | 1.1 |
18 na buwan o higit pa at mas mababa sa 24 buwan | 18 | 1.6 |
24 na buwan o higit pa at mas mababa sa 30 buwan | 24 | 2.2 |
30 na buwan o higit pa at mas mababa sa 36 buwan | 30 | 2.7 |
36 na buwan o higit pa at mas mababa sa 42 buwan | 36 | 3.3 |
42 na buwan o higit pa at mas mababa sa 48 buwan | 42 | 3.8 |
48 na buwan o higit pa at mas mababa sa 54 buwan | 48 | 4.4 |
54 na buwan o higit pa at mas mababa sa 60 buwan | 54 | 4.9 |
Mahigit sa 60 buwan | 60 | 5.5 |
Para sa mga karagdagang katanungan
- Kunsulta sa Telepono03-5453-6931
Mula sa Ibang bansa +81-3-5453-6931Mula Lunes hanggang Biyernes mula alas diyes 10 ng umaga hanggang ala sais 6 ng gabi
Pansamantalang sarado ng Sabado bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng bagong impeksyon dala ng Corona Virus. - Kung nais magtanong sa email: Mangyaringi click ITO.
Mga Negosyo ng PG Group
at
Mga Ka-partner Nito
Mga Kaugnay na Serbisyo
Mga Negosyo ng PG Group at Mga Ka-partner Nito
-
Pacific Guaranty Inc.
(Tax Refund and One stop Service) -
PG Career Agency
(Recruitment) -
PG Tax Accountant Office
(Tax Accountant) -
PG Administrative Office
(Visa and Judicial affairs) -
Hisamatsu Labour and Social Security Attorney Office
(Labour and Social Security Attorney ) -
Stanford Inc.
(Real Estate Consultation) -
Reborn Inc.
(Class-1 Architects Office) -
IPP International Patent Film
(Patent Film)