Pension LUMP SUM Withdrawal Payments(Nenkin)


ONE STOP SERVICE specializes in Tax Refund, Visa , Pension and Insurances, Legal Assistance,
Non Japanese LUMP SUM Withdrawal Payment(Nenkin) and  Income Tax Refund
Available support in 12 countries

Paano magproseso ng aplikasyon para sa Pensyon Lump-Sum Withdrawal Payment (LSWP)?

Mga Dokumentong Kinakailangang Isumite

1. Aplikasyon para sa Pensyon LSWP

2. Kopya ng pasaporte
(kasama ang mga pahinang nagapapakita ng huling pag-alis mula sa bansang Hapon, pangalan, petsa ng kapanganakan, nasyonalidad, lagda, katayuang ng paninirahan ("status of residence")

3. Mga dokumentong nagpapatunay na ang aplikante ay hindi na naninirahan sa bansang Hapon (anuman sa A hanggang E)

  1. Jyuuminhyou na may indikasyon na tinanggal na ang aplikante sa talaan ng mga residente o (Jyohyo);
  2. Jyuuminhyou na may indikasyon ng petsa ng inaasahan o nakatakdang pag-alis mula sa bansang Hapon;
  3. MY NUMBER kard na may tatak na返納;("Returned") sa likuran nito
  4. Dokumentong nagpapatunay ng paglilipat o pag-alis ng bahay na tinirahan o inupahan;
  5. Kopya ng Residence Card (harap at likod nito)

4. Mga katibayan na mula sa bangko kung saan nakasaad ang pangalan ng bangko, pangalan ng sangay , lokasyon ng sangay ng bangko, numero ng account at pangalan ng nagmamay-ari ng account O humingi ng katibayan mula sa bangko sa column ng "Marka ng Sertipikasyon ng Akaunt sa Bangko"

5. Libro ng Pensyon

  1. Para sa pambansang pensyon, kapag naisumite na ang lahat ng kinakailangang dokumento, ang kinauukulang halaga ng kabuuan (100%) ng LSWP ay ililipat sa itinalagang account ng aplikante. (Ang pambansang pensyon ay hindi pinapatawan ng buwis sa kita ("income tax").
    (Ang Pambansang Pensyon ay hindi napapailalim sa kitang buwis)
  2. Sa kaso ng Seguro sa pensyon ng mga empleyado, ang ibabalik na halaga ay papatawan ng 20% na kitang buwis , at ang naiwang 80% ay ibabalik sa aplikante
    Ang 20% na pinataw bilang kitang buwis ay maaring i-apply ng refund ng aplikante sa loob ng limang (5) taon.
  3. Ang pagproseso at pagsusuri ng isang aplikasyon hingil sa Pensyon LSWP ay inaabot ng mula sa tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan.
  4. Ang mga gastusin para sa pagpapadala sa koreo ng mga dokumento sa aplikante, mga halagang sinisingil ng banko at iba pang kaukulang gastusin ay hindi responsable ng aming opisina.
  5. Ang mga halagang ibabalik sa aplikante bilang Pensyon LSWP o income tax refund ay ililipat ng gobyernong Hapon sa itinalagang account ng aplikante sa kaukulang salaping banyaga ("foreign currency") maliban kung ang itinalagang account ay hindi isang account sa banko sa bansang Hapon.

*1 Kapag nawawala ang inyong libro ng pensyon, maari pa rin kayong makakuha ng refund kung alam ninyo ang inyong pangunahing numero ng pensyon .
*2 Kapag hindi ninyo alam ang inyong pangunahing numero ng pensyon,
maari ninyong bigyan ng kapangyarihan ang isang abogadong espesyalista sa Paggawa at Segurong Panglipunan upang makuha niya ito para sa inyo.

Para sa mga karagdagang katanungan

Kunsulta sa Telepono03-5453-6931
Mula sa Ibang bansa +81-3-5453-6931
Mula Lunes hanggang Biyernes mula alas diyes 10 ng umaga hanggang ala sais 6 ng gabi
Pansamantalang sarado ng Sabado bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng  bagong impeksyon dala ng Corona Virus.
Kung nais magtanong sa email: Mangyaringi click ITO.
Maari ka naming tulungan nang higit pa kung ninanais kung ipapaalam mo sa amin na nabasa mo ang aming homepage.

Mga Negosyo ng PG Group at Mga Ka-partner Nito

top▲